Sa Isang Salita: 'Sayang' ni Msgr. Noel
18 November 2020
 
Sayang

Malapit na ang Kapistahan ng Kristong Hari. Ito ang huling Linggo sa taon ng Simbahan. Ipinapaalaala nito na sa huling araw ng ating buhay, tayo ay magsusulit sa Diyos.

Paano natin ginugol ang panahong inilagi natin dito sa lupa? Tumubo kaya ang Diyos sa puhunang ipinahiram sa atin - ang ating buhay? "The greatest gift that God has given you is who he has created you to be." Pananagutan nating pagyamanin ang kaloob na ito.

Sayang ang buhay na walang pinag-alayan. Tulad ito ng alipin na nagtago ng salaping ginto na ipinahiram ng kanyang panginoon. Matindi ang hatol sa aliping ito: "Ang mayroon ay bibigyan pa, subalit ang wala, ang kakaunting mayroon siya ay kukunin pa!"

Ang totoo, hindi binabawi ng Panginoon ay kanyang mga ibinigay. Kusa itong nawawala dahil sa ating pagpapabaya. "Whatever you don't use, you lose."

Habang may panahon pa, palaguin at pagyamanin natin ang buhay na kaloob. Ilagak natin ito sa paglilingkod, pagbabahagi at paglingap.

*Miyerkules sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN