Sa Isang Salita: 'Lapastangan' ni Msgr. Noel
20 November 2020
 
Kamakailan, sinabi ni Papa Francisco na kailangang i-update ang katesismo ng Simbahan upang ipaliwanag ang kasalanan laban sa kalikasan. Sagrado ang buong sangnilikha. Ito ay salamin ng karunungan ng Maylikha at pinanahanan ng kanyang presensya.

Isang paglapastangan sa Diyos at krimen laban sa sangkatauhan ang pag-aabuso at pagwasak nito. Tinawag ng Papa na 'ecocide' ang pagdudulot ng polusyon sa hangin, lupa at katubigan at ang malawakang pagkawasak ng ating ecosystem.

Maaring iangkop ang mga mabibigat na salitang binitawan ni Hesus nang palayasin niya ang mga nangangalakal sa templo. Aniya, "Ang aking bahay ay... ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw."

Tulad ng pananahan ng Diyos sa templo, laganap ang kanyang presensya sa lahat Niyang nilikha. Subalit dahil sa kasakiman ng tao, ginawa itong kalakal at negosyo para magkamal ng salapi at kayamanan.

"When nature is viewed solely as a source of profit and gain, this has serious consequences for society." (Pope Francis)

Sa gitna ng lipunang halos lahat ay nabibili na ng pera, tuklasin natin ang sagradong karakter ng kalikasan, ang ating tahanan at sakramento ng pananahan ng Diyos.

*Biyernes sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

November 20 is National Day of Action Against Coal

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN