Sa Isang Salita: 'Touchstone' ni Msgr. Noel
22 November 2020
 
Noong una, gumagamit ang tao ng bato (haspe) upang kilatisin kung alin sa mga metal ang lantay o huwad na ginto. Touchstone ang tawag dito. Kay Hesus, may isa lang mahalagang 'touchstone' para kilatisin kung ang isang tao ay fake o genuine: hindi ang galing sa kredo, hindi ang pagiging eksperto sa biblia, kundi paglingap sa nangangailangan. "Hands that serve are as holy as lips that pray." Sa takipsilim ng buhay, ito ang tanging sukatan ng pagiging pinagpala sa harapan ng Diyos.

Ipinakita ni Hesus sa kanyang talinghaga ang ilang katotohanan sa huling paghuhukom:

1. Judgment as Separation: Sa huling araw, malalantad ang may huwad at lantay na pananalig. Bakit tupa at kambing, na halos magkamukha ang ginamit na imahe ni Hesus sa istorya ng huling paghuhukom? Bakit hindi tupa at lobo - na sa tunay na buhay ay magkaiba - ang ginamit ni Hesus para ihambing ang mga pinagpala at mga isinumpa? Dahil ang pinatutungkulan niya ay 'yung lahat ng tumatawag sa kanya ng "Panginoon," lahat ng nagtataglay ng pangalang 'kristiyano.' Hindi lamang dito nakasalalay ang katiyakan ng kaligtasan.

Sabi ng isang spiritual writer: "God's judgments take note only of the unconscious moments of our lives, the times when we are off guard.... It is then that we truly reveal ourselves." Ito yung mga pagkakataon na walang nagmamasid, walang CCTV, walang media. Ito ay nagbubunyag ng totoo sa atin.

2. Judgment as Identification: Jesus identifies himself with the needy, the weak, the vulnerable. The 'scandal' of Christianity is that God has revealed himself in unexpected and unheard-of ways. Sorpresa, di natin aakalain ang mga pagpaparamdam ng Diyos. Ani Santa Teresa of Calcutta: Jesus 'is' the hungry, feed him; Jesus 'is' the sick, care for him. Walang pasubali, siya na nga yun!

Wika ng isa sa mga paring Hesuita na pinaslang bilang martir sa Latin America sa kaigtingan ng pag-uusig ng Simbahan: "How sad it'd be for the church if its people suffer from hunger, oppression and injustice and not one of the victims are priests or religious." Upang ang Simbahan ay maging 'tunay' (at hindi lang ilusyon) sa mata ng mundo, dapat itong makiisa sa pakikibaka ng sambayanan sa pagtataguyod ng katarungan sa lipunan.

3. Judgment as Revelation: Sabi ni Henri Nouwen, "the God of the bible is the God who goes where it hurts." Isang animo'y kabalintunaan na ang Kanyang Pagka-Diyos ay nabunyag sa pagiging alipin.

Ang pagbaba ng Diyos sa kaabahan ng tao ay hindi nagpabawas kundi lalo pang nagpaganap sa kanyang pagkaDiyos. His kenosis is "not a step away from his divinity but a movement towards him as He really is: 'God-with-us.'"

Maging dasal nawa natin ang isinasaad sa isang awit, Hesus na Aking Kapatid: "Tulutan Mo aking mata; mamulat sa katotohanan; ikaw Poon makikilala; sa taong mapakumbaba."

*Solemnidad ng Kristong Hari (A)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN