Sa Isang Salita: 'Emoticon' ni Msgr. Noel
01 March 2021
 
Sa lenguahe ng social media, ito ay pinagsamang 'emotion' at 'icon.' Sa virtual world, pwede kang magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng 'icon'. Sa isang pindot lang, maaari ka nang mag-emote kahit di mag-'effort.'

Pero may mga malalim na emosyong di maaring maipahayag sa paraang 'virtual.' Kailangan ay konkretong pagkilos.

Sa ebanghelyo, tagubilin ni Hesus na dapat 'maging mahabagin' tulad ng Ama. Ang habag o awa ay matinding emosyon - isang pagkilos tungo sa lugar ng paghihirap. Ito ay pagpasok sa mundo ng pagdurusa. Ito ay isang desisyon ng puso na dumamay.

Hindi sapat ang 'emoticon' para magpahayag ng habag at awa. Kailangan natin ang paglalaan ng panahon at pakikiisang-buhay sa kapwa. Sa panahon ng laganap ang paggamit ng social media, nawawala na ang makabuluhang pagtatagpong personal

Sabi ni Papa Francisco: "Let make time for others. Let us meet the poor in the flesh."

Sikapin natin isabuhay ang diwa ng kuwaresma. Inaanyayahan tayong mamuhay nang payak, upang ang mga taong salat, ay makapamuhay nang sapat.

*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN