Sa Isang Salita: 'Short-cut' ni Msgr. Noel
03 March 2021
 
Mahirap ang daan tungo sa tagumpay. Sa lipunang namihasa sa 'instant' at 'easy money,' nawawalan na ng halaga ang dangal at sakripisyo. 'Short cut' ang pinipili ng marami.

Ito ang ugat ng maraming kamalian sa lipunan. Ipinapaubaya ng tao ang kanyang dangal kapalit ng panandaliang ligaya. Ipinagpapalit niya ang kanyang dignidad sa huwad na pag-unlad. Pera ang itinatakdang pamantayan sa kanyang mga pagpapasya.

Ang kaisipang ito ang nasa likod ng pagkasira ng ating moralidad. Ito rin ang dahilan ng pang-aabuso sa kalikasan. "Panandaliang pakinabang, kapalit ay pinsalang pangmatagalan."

Sa ebanghelyo, ipinaalaala ni Hesus sa mga anak ni Zebedeo na walang 'short cut' patungo sa tunay na kaligayahan. Daan ng Krus ang daan ng Kristiyano. Nakasalalay sa sakripisyo ang kaligtasan ng mundo. Kamatayan ang pinto tungo sa buhay.

"For everything that is precious can be bought only at the cost of great pain" (from the movie, Thornbirds).

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN