Sa Isang Salita: 'Apostol' ni Msgr. Noel
14 May 2021
 
Ibang klase ang paghirang ni Hesus kay San Matias upang makahalili ni Judas Iscariote sa Labindalawa. Hindi siya tinawag sa tabi ng lawa ng Galilea, gaya nina Pedro at Andres. Hindi siya pinagpakitaan ng Kristong Muling Nabuhay, gaya ni San Pablo. Hinirang siya sa pamamagitan ng palabunutan.

Iba't iba ang paraan ng pagtawag ng Diyos. Mahiwaga at hindi ito mahuhulaan kung saan, paano at kailan. Patunay lamang na ang Diyos ang pumipili sa atin sa paraang gusto niya. Hindi tayo ang pumipili sa kanya; Siya ang pumipili at humihirang sa atin.

Tulad ng mga apostol, lahat tayo ay may bahagi sa misyong iniwan ni Hesus. Kailangan lamang tayong maging bukas ang puso para marinig ang kanyang paanyaya at paghirang.

*Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay/ Kapistahan ni San Matias Apostol

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN