Sa Isang Salita: 'Pangalan' ni Msgr. Noel
15 May 2021
 
"Nomen est omen," ayon sa isang kasabihan sa wikang Latin. A name is a sign. Ang pangalan ay hindi lamang parang isang tarheta na nakakabit sa isang tao. Kaakibat nito ang pagkakakilanlan, karakter at maging misyon ng taong nagtataglay nito.

"Our name is our guarantee," ayon naman sa isang advertisement. Ang pangalan ay pwedeng panghawakan: hatid nito ay katiyakan.

"Ano man ang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo," pangako ni Hesus. Si Hesus ang ating katiyakan. Ang kanyang pangalan ang garantiya na ating hiling ay pakikinggan.

Si Hesus ang mabisang tanda ng Ama. Ang kanyang pangalan ay makapangyarihan. Ipinapahayag ito ng kanyang pangalang Hesus, na ang kahulugan ay, "ang Diyos ay nagliligtas" (God saves/ helps).

*Sabado sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN