Sa Isang Salita: 'Langit' ni Msgr. Noel
18 May 2021
 
"Exegesis" ang tawag sa paraan ng pagpapaliwanag sa mga teksto ng biblia. Mula ito sa salitang Griego na 'exgsato,' na ang kahulugan ay "magbunyag." Kailangan ang 'exegesis' upang di magkamali ang bumabasa sa tamang interpretasyon ng nilalaman ng kasulatan.

Sa ebanghelyo ni Juan, maaring nating ihambing ang paglalarawan kay Hesus bilang 'exegete' o tagapagpaliwanag ng Ama. Wika niya, Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan."

Bilang Salitang kasama na ng Diyos sa pasimula pa, ang misyon ni Hesus ay ang ipahayag sa atin ang Ama.

Hindi na pangarap lamang ang langit. Kay Hesus, nanaog ang langit sa ating gitna. Nadama natin ang pagmamahal ng Ama sa pamamagitan niya. Sa pag-aalay niya ng buhay, 'ipinaliwanag' niya kung sino ang Diyos at kung paano tayo dapat magmahal sa kapwa.

*Martes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN