|
|
|
Sa Isang Salita: 'Modelo' ni Msgr. Noel |
19 May 2021 |
|
|
Ang mundo ay uhaw sa mga modelong dapat pamarisan. Ang bukambibig ng mga millennials, "how to be you po?" Likas sa atin ang maghanap ng huwaran ng buhay na ganap.
Sa mas malawak na pananaw, kailangan ng ating lipunan ay larawan ng tunay na kapatiran. Sa mundong pinaghiwalay-hiwalay ng alitan at pagkamakasarili, hangad natin ang tunay na kaisahan.
Ito ay dahilan ni Hesus nang itatag niya ang Simbahan. Tinipon niya tayo upang mabuo bilang isang bayan. Sa binyag, ibinigay sa atin ang buhay ng Sangtatlo bilang "bukal at huwaran" ng kaisahan. Bagama't tatlong persona, sila'y iisa sa pagka-Diyos. Tayo man sa Simbahan ay magkakaiba subalit nagtagtaglay iisang dangal bilang mga anak ng Diyos.
Akuin natin ang panalangin si Hesus para sa kanyang mga alagad: "nawa sila ay maging isa, kung paanong ako at ang Ama ay iisa."
Miyerkules sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|