|
|
|
Sa Isang Salita: 'Sinugo' ni Msgr. Noel |
22 July 2021 |
|
|
Sinugo
Bagama't walang nakasaksi ng pagbangon ni Kristo mula sa kamatayan, maraming "post-easter apparitions" o mga pagpapakita ni Hesus matapos na siya ay muling mabuhay. Isa rito si Maria Magdalena.
At hindi natapos ang istorya sa pagpapakita ni Hesus. Nasundan ito ng pagpapahayag ng mga saksi. "Resurrection means mission." Kaakibat ng espesyal na pribilehiyo na makita ang Kristong Nabuhay ay ang obligasyong ipakilala siya sa iba.
Hindi man natin nakita si Hesus, ipinaranas naman niya sa atin ang kanyang presensya sa ating mumunting 'muling pagkabuhay.' Ito ay ang mga sandaling tayo'y bumabangon mula sa mga pinagdaanang krisis sa buhay na taglay ang malalim na pananalig.
Lahat tayo ay sinusugo para magbigay saksi sa Pagkabuhay ng Panginoon. Sa mga sandali ng dilim, kalamidad at kawalang pag-asa, si Kristo ay buháy at patuloy na kumikilos sa ating araw araw na karanasan.
*Martes sa Oktaba ng Pagkabuhay |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|