Sa Isang Salita: 'Ingay' ni Msgr. Noel
23 July 2021
 
Ingay

Kakaunti ang taong marunong makinig sa ating panahon. Sa dami ng distraksyon, halos wala nang panahong manahimik. Maingay ang mundo. Higit na nakabibingi ang ingay na likha ng paghahangad at pagkabalisa. Nawawala ang ating focus at kakayahang umunawa.

Ipinaliwanag ni Hesus sa Talinghaga ng Manghahasik: may nakikinig ng Salita "ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitay nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayat hindi makapamunga."

"Silent and listen are spelled with the same letters." Kailangan natin ng panahon upang ipinid ang mga panlabas na pandamdam. Sa katahimikan, higit na tumatalas ang ating ispiritwal na pandamdam. Lumalawak ang ating pang-unawa sa kapwa. Nagkakaroon ng espasyo ang Diyos sa ating puso.

*Biyernes sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN