Sa Isang Salita: 'Touchstone' ni Msgr. Noel
24 July 2021
 
Noong una, gumagamit ang tao ng bato (haspe) upang kilatisin kung alin sa mga metal ang lantay o huwad na ginto. 'Touchstone' ang tawag dito. Kay Hesus, may isa lang mahalagang 'touchstone' sa huling araw para kilatisin kung sino ang peke at at kung sino ang 'genuine.' Ito ay ang kakayahang magbigay ng bunga.

Mahirap malaman sa pasimula kung alin ang trigo at alin ang masamang damo. Tumutubo ito nang sabay na halos magkamukha.

Sa panahon ng anihan, malalantad ang totoo. Ang trigo ay nagbibigay ng saganang bunga, samantalang ang masamang damo ay hindi. Wala ring karampatang pakinabang sa damo sa paggamit niya sa espasyo at sustansya ng lupa. Naaagawan pa nga niya ng pataba ang trigo.

Ipinaaalaala ng ebanghelyo ang tungkulin nating magbigay ng bunga. Dito makikilala kung tayo ay tapat o huwad na alagad. Ito rin ay paraan upang magbalik-handog sa Diyos.

"Ang paggawa natin ng mabuti ay isang anyo ng pagbabayad natin ng 'upa' sa hiram nating lugar dito sa mundo."

*Sabado sa Ikalabing-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN