Ang Parokya ni San Fernando sa Nakalipas na 140 Taon
25 September 2021
 
Noong una, ang Lucena ay nasasakupan ng Parokya ni San Miguel Arkanghel ng Tayabas kung saan naglilngkod bilang kura paroko si Padre Mariano Granja. ito ay simula 1876 hanggang 1879. Sa panahong ito ay ginuguol ni Padre Granja ang kanyang mga naipong salapi upang ipatayo ang maliit na simbahan sa Lucena. Yari lamang ito sa table at nasira ng bagyo matapos ang taong 1880. Ipinaayos nito ito at pinalagyan ng bubong na yero.

Itinatag ang parokya ni San Fernando sa Lucena noong Marso 1, 1881 at si P. Granja ang itinalagang unang lingkod pari nito. Ito anf naghudyat ng paghiwalay ng Lucena mula sa Parokya ni San Miguel Arkanghel sa bayan ng Tayabas.

Sa pamamahala ni P. Granja, naipatayo ang simbahang-gusali noong Hulyo 1884. Sa kasamaang palad, tinupok ng apoy ang simbahan kasama ang kumbento ng pari noong 1887. Sa halip na panghinaan ng loob, muling pinangunahan ni P. Granja, katulong ang sambayanan, sa pagbubuo ng bagong simbahan.
   
Ang iba pang naipatayo ni P. Granja sa pamamagitan ng kanyang sariling pananalapi sampu ng mga donasyon ng mga maririwasang parokyano ay ang kindergarden school para sa mga batang lalaki at babae, kolehiyo para sa mga babae, ospital at botika, gayundin ang libingan.
   
Noong panahon na iyon, nakita ni P. Granja ang kabanalan ni Hermana Fausta Labrador na inatawan niya sa gawain bilang kampanera at sakristana. Siya rin ang nagbibikas at nagsasara ng simbahan. Nagturo rin siya ng katesismo, naghanda ng mga bata para sa unang komunyon, nag-alaga sa mga may sakit at naghanda sa kanila para sa magandang kamatayan. Pinalaganap din niya ang Apostolado ng Panalnagin. Bukod dito, siya ang nagsimula ng paaralan na balang araw ay tatawaging Sacred Heart College.

Si. P. Granja ay binawian ng buhay noong Mayo 1889 sa edad na 49. Mula noon ay walang naitala sa kasaysayan ng parokya sa loob ng 53 taon maliban sa petsa ng panunungkulan ng mga sumunod na mga kura paroko.

   P. Samuel Mena         Abril 1889- Mayo 1889
   P. Teodoro Fernandez      Mayo 1889 - Hunyo 1894
   P. Anotnio de la Fuente      Hunyo 1894  Hunyo 1898
   P. Marcelo Vellon      Hunyo 1898 - Disyembre 1898
   P. Pablo Pajarillo      Disyembre 1898  Pebrero 1920
   P. Bernabe Macarandang      Pebrero 1920  Pebrero 1924
   P. Marcelo Vellon      Marso 1924  Hulyo 1928
   P. Emilio Merchan      Agosto 1928 - Setyembre 1934
   P. Juan Rapiñan         Oktubre 1934  Marso 1935
   P. Mariano Limjuco      Marso 1935  Disyembre 1941
   P. Pedro Ingles         Disyembre 1941  Marso 1942

   Ang Parokya ni San Fernando ay dating sakop ng Diocesis ng Nueva Caseres at ginawang bahagi ito ng Diocesis ng Lipa noong Abril 10, 1910. Noong Pebrero 1938, sa paggaganyak ni Obispo Alfredo Versoza ng Lipa ay itinatag ang Maryknoll Academy na pinamahalaan ng Maryknoll Sisters hanggang 1973.

   Mons. Diego Conti       Marso 1942  Pebrero 1972
   Obispo Jose Sanchez      Marso 1972  Ocktubre 1976
   P. Generoso Marasigan      Pebrero 1977  Hunyo 1977
   Mons Gregorio Salvatus      Hunyo 1977  Hunyo 1979
   Mons. Pedro Baldovino      Hulyo 1979  Hunyo 1983
   Mons. Juanito Claudio      Hulyo 1983  Hunyo 1989
   Mons. Mariano Melici Jr.   Hunyo 1989  Enero 1996
   Mons. Atilano Oracion      Hunyo 1996  Enero 2001
   Mons. Oscar Leaño      Enero 2001  Hunyo 2007
   Mons. Leando Castro      Hunyo 2007  Marso 2015
   Mons. Dennis Imperial      Marso 2015  June 2021

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN