Taunang Retiro ng mga Kaparian sa Bikariya ni San Pedro
12 October 2021
 
Oktubre 12, ginanap ang ikalawang araw ng Retiro ng mga pari ng bikariya ni San Pedro sa parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, Iyam, Lucena City. Pinangunahan ni Fr. Orson Ornedo, katuwang na lingkod-pari ng nasabing parokya, ang Banal na Oras at sinundan ito ng pagbabahagi nina Rev. Msgr. Noel Villareal at Rev. Fr. Jeffrey Magbuhos. Ang nasabing pagbabahagi ay nag-iwan ng mahalagang hamon at paalaala sa bawat paring-lingkod ni Kristo tungkol sa pagsasabuhay ng misyon ni Hesus na dalhin ang simbahan sa mga tao lalo't higit sa mga dukha na siyang pangunahing tunguhin ng misyon ng simbahan. Mula sa nag-uumapaw na pag-ibig kay Kristo, ito ang magbibigay ng katuparan sa nagkakaisang puso ng mga pari sa paglilingkod sa sambayanan.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN