Taunang Retiro ng mga Kaparian sa Bikariya ni San Pedro
13 October 2021
 
Oktubre 13, ginanap ang ikatlong araw ng Retiro ng mga pari ng bikariya ni San Pedro sa parokya at panDiocesis na dambana ni San Hudas Tadeo, Cotta, Lucena City. Pinangunahan ni Fr. Virgilio Nadres, Lingkod-pari, ang Banal na Oras at sinundan ito ng pagbabahagi nina Rev. Fr. Ramil Esplana at Rev. Fr. Jason Oriasel. Naging laman ng pagbabahagi ni Fr. Esplana ang tungkol sa buhay at gawain ng isang pari na mayroong mahalagang ugnayan kay Kristo sa Banal na Eukaristiya. Ayon naman kay Fr. Oriasel, ang buhay ng isang pari na meron sya ngayon ay nag-aanyaya sa kanya upang dagdagan pa ang diwa ng pagsasabuhay ng kanyang pagkapari. Wika niya, "Learn pa more!, Pray pa more!, at Love pa more!"

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN