Sa Isang Salita: 'Sagana' ni Msgr. Noel
01 December 2021
 
Kapag ang Diyos ang nagbigay, kaylanman ay hindi ito magkukulang. Ang kanyang biyaya ay laging "siksik, liglig at umaapaw." Ganito ang tanda ng pagdating ng Mesias. Kakamtan ng ng lahat ang hinahangad ng kanilang puso.

Sa pagpaparami ng Tinapay, ipinahayag ni Hesus ang nag-uumapaw na kagandahang-loob ng Diyos. Tinugon niya ang pagkagutom ng mga tao - hindi lang sa pagkain, kundi sa malasakit at kalinga ng isang pastol. Umuwi ang lahat na busog, hindi lang ang tiyan, kundi ang kanilang puso.

Ngayong Adbiyento, nawa'y umigting ang ating gutom at pagkauhaw sa Diyos. Nawa'y matuto tayong magbabagi ng kasaganaang mayroon tayo sa mga nangangailangan.

*Miyerkules sa Unang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN