Sa Isang Salita: 'Bato-Balani' ni Msgr. Noel
20 January 2022
 
Bakit kaakit-akit ang buhay ng isang taong banal? Sapagkat ang kanyang buhay ay salamin ng minimithi nating maganap sa ating sarili. Tinitingala ng lahat ang mga huwarang nais nilang pamarisan.

Sa ebanghelyo, inilarawan si Hesus na sinusundan at dinudumog ng napakaraming tao saan man siya magpunta. Uhaw ang mga tao sa aral ng ebanghelyo. Pero higit pa rito, naghahanap sila ng modelo ng buhay na inaasam ng lahat: isang buhay na laan para sa kapwa.

Ayon sa teolohiya, "holiness is the connatural fruit flowing from the acceptance of the Christian message." Sa ating panahon, kabanalan ang pinakamabisang patotoo sa kredibilidad ng ebanghelyo. Ang buhay ng taong banal ay konkretong patunay na mabisa at nakapagpapabago ang pananalig kay Hesus.

*Huwebes sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN