Sa Isang Salita: 'Hiling' ni Msgr. Noel
14 May 2022
 
"Anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking ngalan ay ipagkakaloob sa inyo." Ito ang pangako ni Hesus: may katiyakan at maaari nating panghawakan.

Si Hesus, ang Salitang Naging Tao ang pangunahing mensahe ng ebanghelyo ayon kay San Juan. Dito nakabatay ang inuusal natin sa panalangin, "Panginoon Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo." Ang ibig sabihin nito, si Hesus ay kaisa ng Ama sa pagka-Diyos, at kaisa natin sa pagkatao. Siya ang ganap na Tagapamagitan natin sa Diyos. Siya ang ating 'direct line' sa Ama.

Sa pamamagitan Niya, makararating sa Ama ang ating mga paghibik. Walang pag-aatubili, idulog natin kay Hesus ang ating hiling. Sa takdang panahon, may kaganapan ang lahat ayon sa plano ng Maykapal.

*Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN