Sa Isang Salita: 'Abito' ni Msgr. Noel
15 May 2022
 
Sabi ng mga matatanda, madaling makilala ng mga tao ang mga pari noon: laging may suot na 'abito.' Ang salitang abito (habito) ay galing sa salitang Latin na habitus, isang bagay na laging taglay o laging ginagawa ng isang tao. What we constantly 'wear' or 'do' becomes a habit. It becomes our identity, our character. Ang lagi nating ginagawa ay nagiging 'tayo.'

Sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus ang tunay na pagkakakilanlan ng isang alagad. Aniya, mag-ibigan kayo tulad ng pag-ibig ko sa inyo. Love is our identity. Our Christian I.D. is charity. "Kung magmamahalan kayo, makikilala ng lahat na kayo ay mga alagad ko."

Ang panlabas na kasuotan ay hindi nagbibigay ng garantiya ng kabanalan. 'Habitus non facit monachum.' (A habit does not make a monk.) Kung may isang bagay na dapat pagkakilanlan ang isang pari o isang Kristiyano, ito ay sa kanyang kakayahang magmahal, at hindi sa suot niyang uniform o 'abito.'

Sa lahat ng oras at lugar, dapat igiit natin ang ating mga pagpapahalaga bilang Kristiyano. "In omnibus amare et servire domino." Amen!

*Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN