|
|
|
Sa Isang Salita: 'Pagsunod' ni Msgr. Noel |
16 May 2022 |
|
|
Maganda ang samahan ng mag-asawa kung sila ay "nagsusunuran." Madali nga namang sumunod kapag may pagmamahal. Ang puso - di tulad ng isip - ay marunong makinig. May lengguahe ang puso na tanging ang mga nagmamahal lamang ang nakakaunawa.
Ang kahulugan ng salitang 'pagsunod,' na galing sa katagang Latin, 'ob' + 'audire,' ay makinig. Ang taong nagmamahal ay handang makinig at tumalima.
Winika ni Hesus sa ebanghelyo: "Kung iniibig ninyo ako, tutupdin ninyo ang aking mga utos."
Sa mga ating mga nananalig, pagsunod ang patunay ng pag-ibig. Pag-ibig ang dahilan ng pagsunod.
*Lunes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|