Sa Isang Salita: 'Payapa' ni Msgr. Noel
17 May 2022
 
Paano ba ang maging payapa? Kapag walang alitan o kaguluhan? Kapag walang problema o digmaan?

Noong kapanahunan ni Kristo, ipinatupad ng Emperador ang 'Pax Romana' sa buo niyang nasasakupan sa pamamagitan ng tabak at dahas. Nakapamuhay nang walang kaguluhan ang mga tao sa loob ng mahabang panahon. Subalit may takot at pangamba sa kanilang mga puso.

Sa ebanghelyo, sinabi ni Hesus. Kapayapaan ang ipinagkakaloob ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang bigay ng mundo.

Ang tunay na kapayapaan ay hindi idinadaan sa pwersa at dahas, sa walang habas na pagpatay at pagpuksa sa mga itinuturing na salot ng lipunan. Ito ay natatamo sa pagpapanauli ng kaugnayan ng tao sa Diyos, at ng panlipunang kaayusang naaayon sa batas ng Diyos.

Anang martir ng El Salvador na si Arsobispo Óscar Romero: "Peace is not the product of terror or fear. Peace is not the silence of cemeteries. Peace is the generous, tranquil contribution of all to the good of all."

*Martes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN