Sa Isang Salita: 'Ayuda' ni Msgr. Noel
29 September 2022
 
Totoo ba ang mga anghel? Sa harap ng lipunang nahubog sa kultura ng materyalismo, tila nawawala na ang paniniwala sa mga espiritwal na realidad. Ang itinuturing na lamang na totoo ay ang mga bagay na nakikita at nahihipo - mga katotohanan na kayang patunayan ng siyensya.

Subalit sa ebanghelyo ay sinabi: "Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao."

Ang mga anghel ay mga espiritung isinusugo ng Diyos para gumabay at maghatid ng tulong sa tao. Si San Gabriel ang naghatid ng mabuting balita sa Ina ng Mananakop. Si San Miguel ang tagapagtanggol sa ating pakikipatunggali sa pwersa ng kadiliman. Si San Raphael ang tagapagdala ng lunas at kagalingan.

Sa mga sandali ng kagipitan, hatid ng mga anghel ang 'ayuda' ng Diyos sa ating mga pangangailangan. Sa kabila ng kawalang hanggan ng Diyos, tinatawid niya ang ating abang katatayuan upang ipadanas sa tao ang kanyang awa at pagmamahal.

*Setyembre 29, Kapistahan ni San Miguel, San Gabriel at San Rafael Arkanghel

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN