Sa Isang Salita: 'Krisis' ni Msgr. Noel
28 January 2023
 
Halos sunud-sunod na mga kalamidad ang dumalaw sa ating bansa ng mga nagdaang taon - bagyo, lindol at pandemya. Nababahala at natatakot ang lahat. Sa panahon ng krisis, kanino tayo kumakapit?

Sa biblia, ang bawat krisis ay sandali ng desisyon. Ang salitang 'krisis' ay nagmula sa katagang Griego, 'krinein,' na ang kahulugan ay 'magpasya.' Ang bawat sandali ng kagipitan ay panahon para magpasya.

Sa ebanghelyo, habang sinasabukay ng malakas na alon ang bangkang sinasakyan ng mga alagad, lumapit ang mga ito at humingi ng tulong kay Hesus. Sa Kanyang salita, tumalima ang hangin at unos.

Ang mga pagsubok sa buhay ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon para magdesisyon. Sa harap mga krisis ng buhay, piliin natin si Hesus. Sa kanya matatagpuan ang kaligtasan. Siya ang may kontrol sa ating buhay at kasaysayan.

*Sabado sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN