Share the Thought by Msgr. Andro
29 January 2023
 
Sinu-sino ba ang mapapalad? 'Yong maraming pera? 'Yong may magandang asawa? 'Yong matalino? 'Yong nakapag-abroad? Pwede pero higit pa riyan ang kapalarang itinuturo ni Jesus. Sa ebanghelyo ngayon ay inihanay kung sinu- sino ang mapapalad. Sila 'yong mga aba, may malinis na puso, mahabagin, nahahapis, pinag-uusig at iba pa. "Makarioi" sa wikang Griego ang tawag sa kanila. Ang kanilang kapalaran o "macarism" ay nasa pagsandig sa Diyos. Kapag tayo ay umaasa sa Diyos at nagpapailalim sa kanyang kalooban, tatawagin din tayong mapapalad.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN