Share the Thought by Msgr. Andro
30 January 2023
 
Bahagi ng buhay ang pagpili. Sa pagpili ay mayroong isasantabi. Sa ebanghelyo ngayon ay may pagpili ang mga tao. Nakakalungkot dahil ang pinili nila ay kanilang kabuhayan at naisantabi si Jesus. Nang palayasin ng Panginoon ang masasamang espiritu ay lumipat ang mga ito sa mga baboy na nahulog sa tubig at nalunod. Natakot ang mga tao na tuluyang mawala ang kanilang kabuhayan, kaya ipinamanhik nilang umalis na si Jesus sa kanilang lupain. Biruin mo, pinili ang kabuhayan, sa halip na si Jesus na siyang bumubuhay sa lahat. Kaylungkot naman!

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN