Sa Isang Salita: 'Magic' ni Msgr. Noel
31 January 2023
 
Ang himala ay hindi isang uri ng 'magic.' Bagamat ang 'magic' ay tunay na kahanga-hanga at kakaiba, ang himala ay bunga ng pananalig. Kaakibat ito ng personal na ugnayan kay Hesus.

Sa pagnanais na gumaling ng babaeng labindalawang taon nang dinudugo, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus. May kapangyarihang lumabas kay Hesus. Kapagdaka ay gumaling nga ang babae.

Pero hindi rito natapos ang istorya. Nais ni Hesus na makita at makilala kung sino ang humipo sa kanya. Hangad Niya, hindi lang pisikal na kagalingan, kundi ang ganap na paghilom. Sa Diyos lamang may kagalingan ang lahat.

Dalawa ang kahulugan ng salitang Latin, 'salus': kagalingan at kaligtasan. Dito nanggaling ang salitang 'salute' (saludo) o pagbati. Kaya nga, laging kalakip ng ating 'pagbati' ay 'good health' at 'God's blessing.'

Ito ang nais ni Hesus. Sa ating pananalig sa Diyos, kakamtin ang biyaya ng mabuting kalusugan at kaligtasan.

*Martes sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN