Share the Thought by Msgr. Andro
31 January 2023
 
Magkaiba naman ang lasa ng tinapay at ng palaman. "Sandwich technique" ang tawag sa ebanghelyo ngayon. Sa kwento ng anak na dalagita ni Jairo ay ipinalaman ang kwento ng babaeng 12 nang dinudugo. Dalawang kwento ang pinagsamang parang tinapay at palaman pero iisa ang lasa. Kapwa kwento ng pananalig. Naniwala si Jairo na mapapagaling ang kanyang anak. Naniwala ang babae na gagaling ang kanyang sakit. Maraming kwento ng buhay pero kapag ang kwento ay konektado kay Jesus, iisa lamang ang mensahe: Sa nananalig, walang imposible.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN