Sa Isang Salita: 'Nakapagpapabagabag' ni Msgr. Noel
01 February 2023
 
Hindi madaling makinig at maniwala ang mga taong nasanay sa gawi at kalakaran ng mundo. Ang kanilang pang-unawa ay umaayon lang sa nais nilang pakinggan. Walang puwang sa pagbabago ang kanilang puso.

Walang gustong makinig sa mensahe ng propeta. Nag-iiwan ito ng hamon sa budhi ng lipunan. Isinisiwalat nito ang baligtad na pagpapahalaga ng mundo.

"Ang propeta ay iginagalang ng lahat maliban sa kanyang sariling bayan."

Kaakibat ng pananalig ang pagiging handa sa pagbabago. Tayong mga nakikinig ng Salita ay dapat handang mabulabog sa kinamihasnang gawi at buhay.

“We must allow the Word of God to confront us, to disturb our security, to undermine our complacency and to overthrow our patterns of thought and behavior.” ? John R.W. Stott

Handang tanggapin ng taong sumusunod kay Kristo ang nakapagpapabagabag na mensahe ng ebanghelyo.

*Miyerkules sa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN