Sa Isang Salita: 'Bigay' ni Msgr. Noel
02 February 2023
 
Apatnapung araw na agad ang nakalipas simula ng nagdaang Pasko. Ngayon, Pebrero 2, ang Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo. Sa tradisyon ng mga Judio, ang mga panganay na anak ay nakatalaga sa Diyos kaya dapat tubusin sila ng mga magulang sa pamamagitan ng paghahandog sa templo.

Ang matandang tradisyon na ito sa Lumang Tipan ay nagpapaalaala sa atin na ang lahat ng mayroon tayo ay bigay ng Diyos. Ang paghahandog sa Diyos ay pagkilala sa pinagmulan ng lahat.

Tuwing tayo ay nagbabahagi sa kapwa, kinikilala natin ang kaloob ng Diyos sa isa ay kaloob Niya sa lahat. "God's gift to one is also God's gift to everyone." Ang pag-aalay sa Diyos ay pagbabalik ng regalong sa Kanya rin nagmula.

Nawa'y matuto tayong magbigay nang hindi napipilitan lamang, at ng mga bagay na kalabisan lang at hindi na natin kailangan. Magbahagi tayo nang may pag-ibig.

Amor vincit omnia.

*Pebrero 2, Kapistahan ng Paghahandog kay Hesus sa Templo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN