Sa Isang Salita: 'Tatak' ni Msgr. Noel
06 June 2023
 
Tinatatakan ang hayop para malaman kung sino ang may-ari. Tinatatakan ang sulat para malaman kung sino ang may akda (author, authority). Tinatatakan ang 'branded shirts' para malaman kung saan ito nagmula ('orig'). Mag-ingat sa mga mahilig magpa-tattoo! Kung 'marka demonyo' ang nasa iyong hita o braso, baka may iba nang nagmamay-ari sa iyo.

Sabi ni Hesus sa ebanghelyo, "Kaninong larawan ang nakalagay sa salaping pambuwis." Ang sagot ng mga pariseo: "Sa Cesar po." At ipinahayag ni Hesus ang kanyang hatol: "Kung gayon, ibigay sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.

May nakatagong mensahe sa likod ng tatak. Dahil ang pera ay may nakalagay na imahen ng Cesar, ito ay pag-aari ng Estado, at may tungkulin tayong magbuwis dito. Subalit dahil ang bawat nilikha ay may tatak ng imahen ng Lumikha, ang Diyos ay may-akda, may-ari at pinagmulan ng lahat. Maging ang Cesar ay saklaw ng kapangyarihan ng Diyos."

"The biblical text is not about separation between religion and the secular sphere; it is about integration, i.e. restoring all things to their rightful owner, God."

Bawat binyagan ay may tatak ni Kristo. May obligasyon tayo sa May-ari sa atin. Taglay natin ang tatak misyonero. Tungkulin nating ipahayag ang ebanghelyo sa lipunan upang dalhin ang lahat ng bagay sa ilalim ng paghahari ng Diyos .

*Martes sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN