Share the Thought by Msgr. Andro
06 June 2023
 
Ano ba ang katarungan? Sa Ingles, "justice is giving a person what is due to him." Si Jesus ay nagpakita ng halimbawa nito sa ebanghelyo. Aniya, "Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar at sa Diyos ang sa Diyos." Animo'y napakalaking usapin ito para sa mga Pariseo subalit simple lamang ang sagot ni Jesus. May tungkulin tayo sa lipunan. Gampanan natin ito. May tungkulin din tayo sa Simbahan. Panagutan natin ito. Sa gayo'y maisasabuhay natin ang katarungan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN