Share the Thought by Msgr. Andro
07 June 2023
 
Mabuti na lamang at may langit. Mabuti na lamang at may Muling Pagkabuhay. Ang mga ito ay hindi tinatanggap at hindi pinaniniwalaan ng mga Saduseo. Tayo, sa kabilang dako, at lubos na naniniwala. Ang kalangitan at muling pagkabuhay ang lakas at pag-asa natin. Kung wala ang mga ito ay anong kahulugan ng ating mga banal na pagsisikap sa daigidig? Kung mundo lamang ang ating tahanan, lilipas ang lahat. Salamat at may langit. Iyon ang ating tunay na tahanan. Palagian. Nananatili. Walang hanggan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN