Sa Isang Salita: 'Eternal' ni Msgr. Noel
07 June 2023
 
Sa mga taong hindi naniniwalang may langit, tulad ng mga Saduseo, iisa ang paliwanag ni Hesus: saklaw ng paglingap ng Diyos kahit na ang mga naunang yumao sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay lampas sa hangganan ng kamatayan. Sa Kanyang pag-ibig ay walang pagpanaw . "Siya ang Diyos ng ating mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob."

Makahulugan ang mensahe ng awit na "Sana'y wala nang wakas." Tila ang Diyos ang nagpapahayag sa atin ng nakasaad sa isang linya nito: "Walang hanggan ay hahamakin... 'pagkat walang katapusan kitang iibigin."

Ganito rin ang sinasabi ng spiritual writer na si Henri Nouwen: "Love - deep, human love - does not know death... It will always reach out toward the eternal."

Sa buhay na ito, nagsisimula na tayong magpunla ng binhi ng walang hanggang buhay. Sa pag-aalay ng panahon, talino at yaman para itaguyod ang kanyang Paghahari, nasusulyapan na natin ang langit na gantimpala.

"What we do for ourselves dies with us. What we do for others and the world, remains and is immortal." - A. Pine

*Miyerkules sa Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN