Atimonan Visita Pastoral 2019
04 March 2020
 
Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Pebrero 17, 2019 | Bishop Mel Rey Uy

MABUTING BALITA
Lucas 6, 17. 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, bumaba si Hesus, kasama ang Labindalawa, at tumayo siya sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Tumingin si Hesus sa mga alagad at kanyang sinabi,
'Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!'
'Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusigin!'
'Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo'y magagalak!'
'Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo'y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito'y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit -- gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.'
'Ngunit sa ba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!'
'Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo'y magugutom!'
'Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!'
'Sa aba ninyo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.'

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN