Carmelian's Diary
08 May 2020
 
GOSPEL
Jn 14:1-6
I am the way and the truth and the life.
Pagninilay:
Maraming tao ngayon ang magkakahiwalay. Ang mga Frontliners ay kailangang gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Ang iba naman ay kailangang I-Quarantine ng 14 days.
Kaya nga inaasam ng bawat Isa na sana ay matapos na ang Pandemic na ito& upang makauwi na sa bahay at makasama ang mga Mahal sa buhay. At kapag nangyari na iyon, anong kagalakan ang ating madarama!
Salamat sa Diyos, sapagkat ipinadala niya ang ating Panginoong Hesukristo, ang tiyak na Daan patungo sa Buhay na Walang Hanggan. Tayong lahat balang araw ay makararating din sa kalangitang ating tunay na tahanan.
Panalangin:
Panginoon, Lagi nawa kaming humawak sa iyo sapagkat sa pamamagitan mo, tiyak ang kalangitan. Amen.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN