Carmelian's Diary
11 May 2020
 
Jn 14:21-26

Mamahalin ng Ama ang nagmamahal sa akin at Mamahalin ko rin siya.

Pagninilay:

Para lumago at mamunga ang Isang relasyon, mahalaga na mayroong diwa ng give and take o reciprocity. Ang nagmamahal ay mahalagang marunong magbigay; kailangang marunong din siyang tumanggap.

Sa ating relasyon sa Diyos, mahalaga ang mga Salita ni Sta Teresa ng Avila: Amor con Amor Se Paga na ang kahulugan ay ang Pag-ibig ay Matutugunan lamang ng Pag-ibig. Ang Diyos ang naunang nagmahal sa atin; tayoy mahalagang magsumikap tumugon ng may Pagmamahal sa abot ng ating makakaya&. At lalago& mamumunga ang Pag-ibig. Amen.

Panalangin: Lord, maging bukas nawa kami lagi para tanggapin ang iyong Pag-ibig sa araw-araw. Bigyan mo rin kami ng lakas para makatugon sa iyong Pag-ibig. Amen.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN