|
|
|
Carmelian's Diary |
13 May 2020 |
|
|
GOSPEL- John 15:1-8 HINDI MAKAPAMUMUNGA ANG SANGA KUNG HIWALAY SA PUNO.
PAGNINILAY Ang Sanga ay NAKADEPENDE sa puno. Hindi makapamumunga ang sanga kung hiwalay sa puno. Ito ay tumutukoy sa katotohanan sa buhay kristiyano. Ang kasalanan ang naglalayo sa atin sa Diyos. Ang paggawa ng kasalanan ay pagtalikod sa Diyos. Mahalagang panatiliin natin ang sarili na nasa State of Grace. Itoy sapagkat magigiging meritorious lamang ang ating ginagawang mabuti kung hindi tayo hiwalay sa Diyos. Ang Sakramento ng Kumpisal ay daan upang ang mga kasalanan ay malinis para maibalik ang ugnayan natin sa Diyos. Amen. PANALANGIN: Panginoon bigyan mo po kami ng kapakumbabaan na aminin ang aming mga pagkakasala, at ikumpisal ang mga ito. Amen. |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|