 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 03 October 2025 |
| |
|
Parusa. Hindi kasalanan ng araw kung may taong namumuhay sa dilim kung siya mismo ang tumalikod sa liwanag.
Hindi Diyos ang nagpaparusa sa ating pagkakasala. Sa bawat pagtanggi natin sa alok ng Kanyang pagmamahal, tayo ang nagdadala ng kaparusahan sa sarili.
Nakapanghihinayang ang biyayang nawawala dahil sa ating pagpapabaya. Subalit mas nakakatakot kung mawawala ang kakayahan nating marinig pa ang tinig ng Diyos dahil nasanay nang nakapinid ang ating puso sa tawag ng pagbabago.
*Biyernes sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|