Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
04 October 2025
 
Busilak. Ibang mangatwiran at mag-isip ang mga bata. Walang sinisino. Sinasabi nila ang nilalaman ng kanilang puso. Dalisay at busilak ang kanilang hangarin. Hindi sila nagkukunwari. Ipinapahayag nila ang sa tingin nila ay tama o mali. Hindi sila nangingiming isiwalat ang katotohahan.

Ani Hesus, "inilihim mo ang mga bagay na ito sa mga pantas, at inihayag sa may kaloobang tulad ng sa bata."

*Sabado sa Ikadalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN