 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 05 October 2025 |
| |
|
“Dasurv!” Sa social media, madalas nating makita ang salitang “Dasurv” — short for “deserve.” Ginagamit ito kapag may nakuhang magandang bagay: “Dasurv ko ‘to!” Parang sinasabi: Karapat-dapat ako diyan.
Pero sa Ebanghelyo ngayong Linggo, ibang pamantayan ang ibinibigay ni Jesus: “We are worthless servants; we only did what we were supposed to do.” Ibig sabihin: sa harap ng Diyos, wala tayong puwedeng ipagyabang. Hindi dahil “dasurv” natin, kundi dahil biyaya ang lahat.
Kapag iniisip natin na lahat ay “dasurv,” madali tayong mainggit, magreklamo, o mawalan ng gana kapag hindi napansin o nabigyan ng kapalit.
Kapag namayani ang sense of entitlement sa Simbahan, nagkakaroon ng division (kompetisyon, at tampuhan), disillusionment (nawawalan ng gana kapag hindi napansin), at distraction (nalilihis sa tunay na misyon ng Ebanghelyo).
Pero kung lahat ay titingnan bilang biyaya, ang puso natin ay mapupuno ng pasasalamat, kababaang-loob, at bukas-palad na paglilingkod. Magigi tayong tunay na Simbahang Sinodal. Walang VIP, walang “kami lang” — lahat ay magkakapatid na naglalakbay patungo kay Kristo.
Kaya’t ang paalala ng Panginoon: sa Simbahan at sa misyon, hindi tanong kung ano ang “dasurv” ko, kundi kung paano ako magiging tapat na lingkod sa Diyos at sa kapwa.
*Ikadalawampu't pitong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|