Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
06 October 2025
 
Maka-Diyos. Ang Istorya ng Mabuting Samaritano ay isang paanyaya na lumabas tayo sa bakuran ng pagkamakasarili upang tumungo sa mga pook na nangangailangan ng paglingap at paghilom.

Ang mga "relihiyoso" na naglilingkod sa templo ay lumihis ng daan. Hinayaang nakahandusay sa daan ang taong biktima ng karahasan. Tanging ang Samaritano, na kinamumuhian nila, ang nagpakita ng pagiging tunay na maka-Diyos.

*Lunes sa Ikadalawampu't Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN