 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 October 2025 |
| |
|
|
Habang nagdarasal ng santo rosaryo, tayo ay magpaka-Maria at huwag maging Marta. Kailangang nakatuon sa mga Misteryo ng Panginoon at ng Mahal na Ina. Hindi abala ang isip sa gawaing makamundo. Doon tayo sa may paanan ng Panginoon at hindi sa kusina. Mahalagang pagsamahin ang pag-usal ng mga salita at pagninilay. Makapangyarihan ang rosaryo. Muli't muling magwawagi sa "Lepanto" ng pakikibaka. Basta't lalapit kay Jesus sa pamamagitan ni Maria. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|