Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 October 2025
 
Lupa. Kapag nagtatanim ng palay, kailangan munang basagin ng araro ang tigang na lupa upang mapasok ng tubig na sagana. Sa pananalangin, kailangan namang basagin ng pagsisisi ang pusong pinatigas ng kapalaluan upang matanggap ng pagpapala.

Ang mga salitang 'humanity' at 'humility' ay galing sa katagang Latin, 'humus,' na ang kahulugan ay 'lupa.' Ang daan sa pagpapakatao ay nasa pagpakumbaba. Ito ang daang tinahak ni Hesus. "He emptied himself and took the form of a slave..."

Sa ebanghelyo, umuwing kalugud-lugod sa Diyos ang Publikano dahil sa pagtanggap sa kanyang kawalan sa harap ng Diyos. Ginawak niya hindi ang balabal kundi ang kanyang puso. Samantala, tinakpan ng Pariseo ang kanyang kahinaan at pinaramtan ng pagbibigay puri sa kanyang sarili.

Ang tunay na pagkatao ay nakikita sa puso at hindi sa anyo.

*Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN