 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 27 October 2025 |
| |
|
Dangal. Ginawa ang batas upang lumago tayo sa ating pagkatao ayon sa layunin ng Lumikha.
Sinadya ni Hesus magpagaling sa araw ng Sabat, kahit na ito ay 'labag' sa batas ng mga Judio. Sa kanyang 'paglabag' sa batas ng Sabat, pinanumbalik niya ang tunay na diwa ng batas. Pinalaya niya ito upang maging instrumento ng pagtatanggol sa buhay at dangal ng tao.
Nagiging mapang-api ang batas kapag "ginamit" ang tao, at "minahal" ang bagay. Ang layunin ng batas ay ipagtanggol ang dangal ng tao.
*Lunes sa Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|