Sa Isang Salita: 'Pananalig' ni Msgr. Noel
03 July 2020
 
Higit na kilala si Sto. Tomas sa pagdududa kaysa sa pananalig. Wika niya, "hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang mga butas sa Kanyang mga kamay..."

Ang hindi nababatid ng marami, si Tomas ang nagpahayag ng pinakamalalim na pananampalataya kay Hesus nang sabihin niya: "Panginoon (Kyrios) ko at Diyos (Theos) ko..," mga katagang sa Lumang Tipan ay katumbas ng pangalang iniaangkop lang sa Diyos.

Isinatinig ni Tomas ang pananalig ng unang Simbahan. Tulad din tayo ni Tomas. Ang pananampalataya ay isang paglalakbay. Di agad ito lubos at perpekto. Nagsisimula ito sa di-ganap na pagkilala kay Hesus hanggang lumago tayo sa patuloy na pakikipag-ugnay sa Kanya sa araw-araw.

*Hulyo 3, Kapistahan ni Santo Tomas Apostol

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN