Sa Isang Salita: 'Bagong Sisidlan' ni Msgr. Noel
04 July 2020
 
Isang bagong pananaw ang hatid ng pagdatal ni Hesus sa ating gitna. Naabot ng tao ang bagong ugnayan sa Diyos. Ganap na nahayag ang dangal at layunin ng ating pag-iral sa pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos.

Wala nang dahilan para bumalik tayo sa lumang gawi at dating pamumuhay. Kaakibat ng bagong buhay bilang Kristiyano ang mas mataas na antas ng pagtalima at pagsasabuhay ng ebanghelyo.

Sabi ni San Agustin: "Christians, be what you are." Wala nang lugar ang dilim sa buhay ng taong tinawag para magbahagi ng liwanag.

Ito ang nais ipahiwatig ng Panginoon nang ipahayag Niya sa ebanghelyo: "Walang naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan... kapwa ito masisira." Bagong aral, bagong asal, bagong buhay.

*Sabado sa Ikalabing-tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN