Panalangin sa Araw-araw

Daily Prayer

Morning, Midday and Evening Prayer for every day, with prayers from our priests.

← Previous day
Monday, November 23, 2026 Today
Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time · Kristong Hari
Next day →
Panalangin para sa oras at araw na ito

Mula sa ating mga pari · From our priests

No prayer has been shared for today yet. Here are the latest ones.

Tanghali · Midday November 20
🎧 Pakinggan · Listen
Ama naming Diyos, sa pagpapatuloy ng aming araw, gawin Mo kaming banal na tahanan ng Iyong presensya, malinis sa kasalanan at tapat sa Iyong kalooban. Sa pamamagitan ni Hesukristo, Iyong Anak, bigyan Mo kami ng lakas ng loob na talikuran ang anumang humahadlang sa aming pananampalataya at isabuhay ang Iyong Salita sa bawat kilos at pagpapasya. Sa tulong ng Espiritu Santo, gabayan Mo ang aming mga puso upang maging daluyan ng Iyong pagmamahal, kabutihan, at kapayapaan sa aming kapwa. Nawa'y ang aming buhay ay maging handog na kalugud-lugod sa Iyo. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo. Amen.

— Oscar Camara · Diocese of Lucena

Umaga · Morning November 20
🎧 Pakinggan · Listen
Panginoong Hesus, linisin Mo ang aming puso upang maging tunay na tahanan ng Iyong presensya at pag-ibig. Ilayo Mo kami sa mga bagay na nagpapalayo sa amin sa Iyo, at alisin ang anumang kasakiman, pagmamataas, at pagkukunwari sa aming buhay. Turuan Mo kaming pahalagahan ang panalangin, makinig sa Iyong Salita, at isabuhay ito sa aming araw-araw na pagkilos. Nawa'y maging instrumento kami ng Iyong kabutihan at maging buhay na saksi ng Iyong pagmamahal. Amen.

— Oscar Camara · Diocese of Lucena

Midday Prayer

Tagalog

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Ngayong araw

Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time

Sa katanghaliang-tapat, huminto sandali saanman ka naroroon. Ialay sa Diyos ang gawain ng umaga at hingin ang Kanyang tulong sa natitirang bahagi ng araw.

Salitang dadalhin

“Stay awake! For you do not know when the Son of Man will come.”
Ebanghelyo: Luke 21:1-4

Ang Orasyon (Angelus)

V. Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria.
R. At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria…
V. Narito ang alipin ng Panginoon.
R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika Mo.
Aba Ginoong Maria…
V. At ang Verbo ay nagkatawang-tao.
R. At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria…
V. Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
R. Upang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon namin.

Manalangin tayo

Panginoon, isinasamo namin na Iyong ibuhos ang Iyong grasya sa aming mga puso, upang kaming nakakilala sa pagkakatawang-tao ni Kristo na Iyong Anak sa pamamagitan ng pagbabalita ng anghel, ay akayin, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakasakit at krus, sa kaluwalhatian ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan din ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Luwalhati

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.

English

In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.

Today

Monday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time

At midday, pause for a moment wherever you are. Offer God the work of the morning and ask his help for the rest of the day.

A word to carry

“Stay awake! For you do not know when the Son of Man will come.”
Gospel: Luke 21:1-4

The Angelus

V. The Angel of the Lord declared unto Mary.
R. And she conceived of the Holy Spirit.
Hail Mary…
V. Behold the handmaid of the Lord.
R. Be it done unto me according to thy word.
Hail Mary…
V. And the Word was made flesh.
R. And dwelt among us.
Hail Mary…
V. Pray for us, O holy Mother of God.
R. That we may be made worthy of the promises of Christ.

Let us pray

Pour forth, we beseech you, O Lord, your grace into our hearts; that we, to whom the Incarnation of Christ your Son was made known by the message of an angel, may by his Passion and Cross be brought to the glory of his Resurrection. Through the same Christ our Lord. Amen.

Glory Be

Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit; as it was in the beginning, is now, and ever shall be, world without end. Amen.

↑