Sa Isang Salita: "#EveryJuan' ni Msgr. Noel
29 August 2020
 
Anong kapangyarihan mayroon si Juan Bautista laban kay Herodes? Taglay na ni Herodes ang lahat: yaman, kapangyarihan at impluensya sa lipunan. Kahit kalahati ng kanyang kaharian ay kaya niyang ipamigay, masunod lamang ang kagustuhan.

Pero may isang sandata si Juan na mas makapangyarihan kaysa hari: ang katotohanan. Lumilipas at maglalaho ang mga kaharian. Subalit mananatili ang katotohanan. Ito ang ipinahayag ni Juan kahit na siya ay mamatay.

Sino ang may tungkuling magpahayag ng katotohanan? Hindi lang si Juan, kundi EveryJuan. Likas sa bawat Kristiyano ang maging propeta.

Kailangan ito ng lipunan lalo na sa ating panahon. "When times are tough, the prophet speaks."

*Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN