 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Satanas' ni Msgr. Noel |
| 30 August 2020 |
| |
|
Mapanlinlang si Satanas. Gumagamit siya ng iba't ibang anyo para maging kaakit-akit sa tao. Sa ebanghelyo, ginamit niya ang mababaw na pagkakilala ni Pedro sa mesias upang hadlangan ang plano ng Diyos.
Ang kahulugan ng salitang Stn (diabolos sa wikang Griego) ay Kalaban. Hinahadlangan niya ang pamamaraan ng Diyos. Subalit walang makapipigil sa pagdatal ng Paghahari ng Diyos. Agad sinabi ni Hesus kay Pedro: "Lumayo ka Satanas, hadlang ka sa aking landas."
Wika ng isang obispo: "Satan subtly uses his scheme of deceit to worm his way into our mind, our choices, our decisions and ultimately, our way of life." Sinasakop ng espiritu ng kamunduhan ang bawat himaymay ng ating buhay sa lipunan sa makabagong panahon. Lumilikha ito ng kaisipang taliwas sa diwa ng ebanghelyo.
Ang pakikipagtunggali natin sa Masama ay unang nagaganap sa isip. Ani Hesus kay Pedro: "Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao."
Pinaaalalahanan tayo ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa: "Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya, at talagang ganap." (Rom 12:1-2).
*Ikadalawampu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|