 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Payo' ni Msgr. Noel |
| 06 September 2020 |
| |
|
Walang sinuman ang may karapatang tingnan nang mababa ang kapwa sapagkat tanging Diyos lamang ang "nasa itaas" at lahat tayo ay pantay-pantay.
Ang katagang 'kapwa' sa lenguaheng Hebreo ay 'kamokha,' na ang kahulugan ay 'one who is like you.' "Ve'ahavta l're'akha kamokha." (Lev. 19: 18 -> Mahalin mo ang iyong 'kapwa' gaya ng iyong sarili.) 'Kamokha' o katulad natin ang iba sapagkat lahat tayo ay kawangis ng Lumikha at may dangal bilang mga anak ng iisang Ama.
Sa ebanghelyo, tinuturuan tayo ng tamang pakikipag-'kapwa.' Ang tunay na pakikisama ay may kaakibat na tungkuling ituwid ang pagkakamali ng kapwa.
"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama," wika ni Hesus.
Ang pagtutuwid sa pagkakamali ng iba ay dapat isagawa sa diwa ng malasakit sa kanyang kabutihan. Tunay na may kapangyarihan ang pagpapayo ng isang taong may hangaring mabuti at banal. He has a right to criticize, who has a heart to help. (A. Lincoln)
Ikadalawampu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon (A) |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|